Wika

G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr.

Guro sa Filipino, Hayskul Yunit

Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga

Febrero, 2008

 

Katuturan

 

                Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

 

                Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na  paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

 

 

Kahalagahan ng Wika

 

                Mahalaga ang wika sapagkat:

 

  1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
  2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
  3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
  4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

 

 

Katangian ng wika

 

  1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

 

    1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

 

    1. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

 

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han

Fonema = a

                *tauhan, maglaba, doktora

 

c.       Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

 

Hal. Mataas ang puno.

        Ang puno ay mataas.

        The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

 

d.       Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

 

Hal. Inakyat niya ang puno.

        Umakyat siya sa puno.

 

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

 

  1. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

 

  1. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

 

  1. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.

 

Halimbawa

                Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)

                Wikang Filipino – Opo, po

                Wikang Subanon – gmangga (mangga)

                Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

                Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

                Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

 

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit  nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

 

  1. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa:          BOMBA

                Kahulugan

a.       Pampasabog

b.       Igipan ng tubig mula sa lupa

c.       Kagamitan sa palalagay ng hangin

d.       Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula

e.       Sikreto o baho ng mga kilalang tao

 

  1. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

 

  1. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

 

  1. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

 

  1. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

 

  1. May level o antas ang wika.

 

Antas ng wika

  1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
  2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
  3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
  4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na',  /pre/ para sa 'pare'
  5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at ermat’ at ‘cheverloo’.
  6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal

 

Teorya ng pinagmulan ng wika

 

v      Teorya sa Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

v      Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

v      Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

v      Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

v      Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.

v      Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

 

Mga Sanggunian:

 

Antonio, Lilia F. et al. (2005). Komunikasyon sa akademikong Filipino. C & E Publishing,

Inc. Lunsod ng Quezon

 

Austero, Cecilia S. et al. (1999). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Mega-Jesta Prints, Inc.

Lunsod ng Valenzuela

 

Paz, Consuelo J. et al. (2003). Ang pag-aaral ng wika. University of the Philippine Press. Lunsod

ng Quezon

 

Santiago, Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store. Maynila

 

Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. (2003). Makabagong balarilang Filipino. REX

Book Store. Maynila


219 CommentsChronological   Reverse   Threaded
sherizah wrote on Mar 12, '08
nyC
ruben96 wrote on Mar 14, '08
Salamat po! Malaki po ang naitutulong nito sa aming mga istudyante lalo na sa mga kumukuha ng Filipino bilang kurso. Detalyado po talaga!
Salamat!
geekcritic wrote on Mar 19, '08
GUDLUCK POH SA INIO!!!!!!!!!!1
itsourlittlesecret wrote on May 19, '08
thanks po, hinahanap ko po ung teoryang yum yum haha :D di ko po mintindhan nsa book namin eh :) thanks sa pagpost nito ^^
livel0velaugh wrote on May 25, '08
thanks, i needed this
Comment deleted at the request of the author.
aljon21 wrote on Jun 9, '08
salamat talaga ditoo...aljon payad po,,ang blue eagle ng for\bes makati!!
smashkins wrote on Jun 10, '08
salamat ha dahil malking tulong to sakin bilang engineering student
Comment deleted at the request of the author.
Comment deleted at the request of the author.
lovehotfudge wrote on Jun 11, '08
ghaaaaaaaaaad..this is multiply pla..
hmmmm thankyou so much for the info..=D
Godbless.
mitchiie wrote on Jun 12, '08
thank you sooo much :)
loveanddesire wrote on Jun 12, '08
thanks sa info :)
chadchen16 wrote on Jun 12, '08, edited on Jun 12, '08
aamat hoh a nyo
myron018 wrote on Jun 12, '08
thank u poh
rheieyah wrote on Jun 12, '08
THANKS!!!!!!!!! WAAAA
phaulandrei wrote on Jun 12, '08
....maraming salamat sa mga impormasyong nakapaloob dito sa artikulong ito malaki talaga ang naitulonh nito sa akin...
marielorenzo wrote on Jun 13, '08
thanks po sa pg post nito sobrang nakaktulong po xa sa assignment ko..im melody from university of perpetual..tnx tlaga
joshjg wrote on Jun 14, '08
Hi po! ako si Josh nag aaral ng Engineering sa USLS bacolod...Salamat po talaga sa pag post nyo dito, nakatulong po talaga ito sa assignments ko. Dito narin po ako kukuha sa susunod...Thank you talaga po!
jrmscsoulja wrote on Jun 14, '08
salamat po. malaki po talaga ang naitulong nito sa akin.
paopushal wrote on Jun 14, '08
tnx fUr hir. wheew. sa wakas me hOmewOrk na xOe. :]
laine31 wrote on Jun 14, '08
thanks po subra sna p 2loy po yan pwde po tnung about sa DALUBWIKA
eimesor wrote on Jun 14, '08
sa lamat po sa pagpost nito !!! malaking tulong po ito sa aking takdang-aralin !! weeeeeeeeee
eimesor wrote on Jun 14, '08
ano poh buh ang tungkulin ng wika ????
rhemy wrote on Jun 15, '08
ei tnx for 4 posting dis...it's a lot of help.....wee! one down, 5 more to go!...hehehe!
markmoyo wrote on Jun 16, '08
thanks a lot!! i didn't ever think to get my homework done with a multiply site haha - mark, BS-ChE studnt of UST :p
yralrac wrote on Jun 16, '08
Omg, you just saved me! Thanks, thanks really. :) Assignment ko to! hahaha. :D ♥
anicaparanga wrote on Jun 16, '08
tenk usooo much!!!
mauimave wrote on Jun 16, '08
dudes.. salamat.. as in
alecx25329rt wrote on Jun 17, '08
Tnx po......makakatulong po ito sa mga assignmebs.... YEAAAHHHH!!!!!!!!
BYE PO
yours8truly wrote on Jun 18, '08
Thank you thank you.^-^
nhotti wrote on Jun 18, '08
salamat! itong ito yung mga tanong sa assignment ko, haha :))
angelique2387 wrote on Jun 18, '08
maraming salamat po. yay, may maisasagot na ako bukas.
melay0711 wrote on Jun 19, '08
salamat. homwork xe nmin toh ehehehe
melay0711 wrote on Jun 19, '08
salamat. homwork xe nmin toh ehehe
chizboi wrote on Jun 19, '08
salamat nakatulong eto ng malaki sa akin hehehe
chizboi wrote on Jun 19, '08
hehe salamat po ulit sa susunod na takdang aralin ulit hehe
patweexa wrote on Jun 19, '08
thx a lot! it helped me on my hw. :D
gwynne17 wrote on Jun 21, '08
tnx for posting this... it's relly2 go0d and it helping me alot about my home work.... ^_^
patdhaha wrote on Jun 21, '08
maraming salamat po. :D
edzeight wrote on Jun 23, '08
thanks a lot..

dito lang pala ako mkakahanap ng sagot sa assignments ko..

tnx ulet..
trina01cute wrote on Jun 24, '08
Kulang..............
gisselle05 wrote on Jun 24, '08
aun marami pong salamat nakatulong po ng malaki sa akin ang inyong mga impormasyon...sana dagdagan niyo pa po ng "kapangyarihan at gampanin ng wika"...thanks po ulit!
jheirose wrote on Jun 24, '08
hay malaking tulong to!maraming thanks tlga
nycosam wrote on Jun 24, '08
maraming salamat....
Comment deleted at the request of the author.
kralence wrote on Jun 25, '08
thanks a lot.. naa najud koy homework ai
blue0eyes wrote on Jun 26, '08
wui! thanx a lot yeez may research na ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
09097445398
drkprincez wrote on Jun 26, '08
salamat! :D
ngott wrote on Jun 26, '08
thank YOU so much! this was a topic that we discussed earlier. we're still not finished with it. too bad i didn't find this earlier.
emoterabeinteuno wrote on Jun 29, '08
nahilo na ko maghanap, andito lang pala lahat ng assignment ko.. haAay... thank you po..!
benjch03 wrote on Jun 29, '08
my mga teorya po b kau tulad ng
teoryang sexismo,whorfian theory, code theory,protype, at competenence theory?
kelangan ko rin eh..
benjch03 wrote on Jun 29, '08
thnx
Comment deleted at the request of the author.
schimz wrote on Jun 29, '08
tnz
schimz wrote on Jun 29, '08
salamat po talaga..



natapos ko na po takdang aralin ko..



tungkol sa katangian ng wika..




joyceemultiply wrote on Jun 30, '08
tnx,,, i really need this!
freshbutt wrote on Jul 1, '08
help po plz..tanong ko po ano po ang pinagmulan ng wika at balangkas?kylangan ko po tlga!!ty po sa lahat ng 22long.
asteries wrote on Jul 1, '08
helow po marami pong salamat!!! sainyo!!!!
catherineong17 wrote on Jul 1, '08
thank you po sa infos! :D
charingfranco wrote on Jul 1, '08
salamat poh!!!!!:)))
kaibiganq wrote on Jul 1, '08
kaibigan
mRmInG thAnKs pOh Sa lhAt,. . . . aT aNd2 lhAt aNg anSweR sA quEsTioN nI ms. bla bla bla, heHe,. . . . tHaNks pOh uLet,. . . .!
eulala22 wrote on Jul 2, '08
hmmm tnx for the lectures... very very helpful.. godbless n_n
yuanjeanie wrote on Jul 2, '08
nice!
anjsexy12 wrote on Jul 2, '08
whoa! thank you very muuach! :D kahit na wala dito yung main na hinahanap ko. :D the best pa rin. beri impormatib. :D hehe.
jonmagay wrote on Jul 2, '08
maraming salamat po..jonel ng rmtu zambales
iloveugod2008 wrote on Jul 3, '08
hi
iloveugod2008 wrote on Jul 3, '08
sino ang ama ng makabagong bararela
karlaloo93 wrote on Jul 6, '08
thanks! :D
triccia03 wrote on Jul 6, '08
thanksss. :)
norjgalvez wrote on Jul 8, '08
un un e ^_^ salamat may assign n me
norjgalvez wrote on Jul 8, '08
wehehe tsk
norjgalvez wrote on Jul 8, '08
sa mga nakakabasa nito, mahal ko kayong lahat ^_^ hehehe Nor-j s my name, Caloocan is wer i came ^_^
deejey21 wrote on Jul 12, '08
san sa mga libro nakuha yung mga katangian ng wika?
comment back.. urgent lng..
salamat..
c=
animedcools wrote on Jul 14, '08
hi po we just had this filipino assingment and i had a trouble on researching about the katangian ng wika as our assingment. when the time i read this it is the exact answer that i need thank you very much....
eynjhelica0825 wrote on Jul 17, '08
salamat po--justin, brother of the owner's account
chakaloca wrote on Jul 20, '08
magaling! haha talamat po
itachikoh wrote on Jul 21, '08
thnk u po...salamat po ng marami!
kurtity wrote on Jul 21, '08
How about the TEORYANG LINGGWISTIKA? 8-| any clue?
candyfranziel wrote on Jul 30, '08
wow!!!amazing!!! super nakatulong sa projects namin toh!!!
keep up the good work
megz19chuchi wrote on Aug 5, '08
tenk u poh..ng mrami!!!
elgiemae wrote on Sep 7, '08
slamat
miram07 wrote on Sep 23, '08
tnx... mhuaw
saikd wrote on Sep 27, '08
kulang wla bang layunin ng WIKA????tnx na din
saikd wrote on Sep 27, '08
muaaaawwwwwwwwww
saikd wrote on Sep 27, '08
slamat
saikd wrote on Sep 27, '08
tnx
saikd wrote on Sep 27, '08
god blesss
hinakimichan wrote on Sep 28, '08
anu pu ang papel ng wika sa proseso ng pagkatuto?
une12 wrote on Oct 1, '08
tenx xa inf0.a big help for our term paper..another solution..haha.hoping for more..(:
rmc333 wrote on Oct 7, '08
hi!tnxz poh xe u advertise it!my nkha me more info..
jerddah08 wrote on Oct 25, '08
very informative...well,i think it will be more helpful at the right time...when i really needed this one...

tnx anyway!
enyahscetuc wrote on Nov 1, '08
tnx a lot...i really need this...=]
gwenjavier wrote on Nov 10, '08
hey! i grab some details! :) i hope its ok! :)) thanks! :P
mjdr159 wrote on Nov 12, '08
maraming salamat po kung sino man ang naglagay. napakalaking tulong saming mga studyante
aprhodite15 wrote on Nov 26, '08
haiz bkt po kulang ung pnost niung teorya...pero tnx n dn po kc nkatulong ng malaki ito sa amin....God Bless po...
gelohinagpis wrote on Dec 8, '08
tnx tnx...e2 po kase ung topic namin sa filipino ehh...e2 lahat ung examples nung guro namin:))
phnxo7 wrote on Jan 8, '09
tnx
niqi13 wrote on Jan 12, '09
Wow..this is such a precise work..if you dont mind..ill use it po..oK?!..tHanks po!..

napakahelpful nya po grbe..
khrexa wrote on Jan 27, '09
haiZ .....anu ba yan 2 lang pala sagot sa thesis...qoH... hooo... graveHhhh....

tnx......
soysoysauce wrote on Feb 18, '09
mali ang mga teorya ng wika
jazzking33 wrote on Mar 7, '09
meron pa po bang abi bukod dito?kasi parang may kulang??
atashi19 wrote on Mar 12, '09
salamat for this hehe
heyjune wrote on May 24, '09
Grabe sobrang salamat dito, alam mo ba kanina pa ako naghahanap ng tungkol sa Filipino wala talaga akong mahanap salamat talaga ng sobra ;____________________________;
chewy24choco wrote on May 31, '09
thanks! super nktulong to!
sbc12 wrote on Jun 3, '09
Thanks a million bcuz nka2long ang information about sa wika!! Ang gusto ko pang malaman kung paano nababago ang wika. Good day☻
sbc12 wrote on Jun 3, '09
hi
momaiitokidoki wrote on Jun 3, '09
salamat poh.may assignment na din ako sa wakas!
shaynee20 wrote on Jun 6, '09
ano po ung tungkulin ng wika??:) thanks
vampiredecoder wrote on Jun 9, '09
maraming salamat din po, ahm alam nio po ba ang alamat ng wikang filipino? 'yun po ba yung alamat ng maragtas? assignment ito...
acin09 wrote on Jun 9, '09
thank u so much..
3nabut1 wrote on Jun 10, '09
THANK YOU SOOOO MUCH!
fashionworld888 wrote on Jun 15, '09
tnx... now i don't need to worry about my assign...
preshii23 wrote on Jun 15, '09
thanks dito..sobrang nakatulong sa homework ko,,thanks^^
alesiaustria wrote on Jun 16, '09
..wow..THANK YOU SO MUCH for posting this..it has all the answer to my assignment..we don't have a book yet so internet is very useful..thank you so much from the bottom of my heart...well i have a question what is the difference between tagalog, Filipino at Pilipino??...
playbutch08 wrote on Jun 16, '09
tnx for the info. :D it really helps . ")
electrocutedcat wrote on Jun 16, '09
wow, thanks for this. i really need it. you're the best!
electrocutedcat wrote on Jun 16, '09
wow, thanks for this. i really need it. you're the best!
j9ashipah wrote on Jun 16, '09
solve ang homework co !
hehe . thanks a lot :}
09291534685 wrote on Jun 16, '09
ano # mo.
09291534685 wrote on Jun 16, '09
hey mga friends what email nyo,....?
gudguy2009 wrote on Jun 17, '09
ah thanks poh
quinnzie wrote on Jun 17, '09
xlmt dito xa website nah tooo nkhnp me ng ass.qoe tenkz for diz in4mation


..wish u ol d'best..
kaliwat08 wrote on Jun 17, '09
grwrwgsr af
franzpalacio wrote on Jun 17, '09
Ayos tong site na ito salamat nagawa ko po ang assignment ko pero may alam din po ba kayo tungkol sa Tungkulin ng komunikasyon ayon kay Gordon Wells? at 9 na ideya tungkol sa wika ayon kay Harvey Daniel?
Marami pong salamat:D
alchx wrote on Jun 17, '09
thanksssss.hulog ka ng langit
feb1109 wrote on Jun 17, '09
..well,,just like d others says..tenx more!!!!! it will help me a lot..pinoy tayo..hehehe....
wafps wrote on Jun 18, '09
maraming2x salamat poh! dahil po d2 n22lungan nyo po ang mga studyante 2ld q,..,nd gOd blEs,.,.more power,.,nd once again.,,,.THANK YOU VERY MUCHhhH.,.
creshie15 wrote on Jun 18, '09
THANK YOU POH :D blessing.. :) God bless.. OKAY na homework ko :D
cleisthene wrote on Jun 18, '09
kahalagahan ng wika sa inyong buhay bilang:
anak, mag-aaral, mamamayan..
cleisthene wrote on Jun 18, '09
salamt po ng marami!!!
wincy20 wrote on Jun 18, '09
hm
tootsky wrote on Jun 18, '09
wow. maramaing maraming salamaaattttt. :)
carlregencia wrote on Jun 18, '09
ei..brad salamat.. :) whoo... my isasagot nko sa prelims
nessa0513 wrote on Jun 19, '09
thank you so much..kahit minor subject kolang po ito...importante di po ang assignments...thank you so much at may mga ganito...ü
karana818 wrote on Jun 19, '09
Mara
karana818 wrote on Jun 19, '09
wow kumpleto to aaa! :D
biiiyaaa wrote on Jun 19, '09
thanks for posting this. :)
eternamante wrote on Jun 19, '09
salamat ! assignment ko toh ! :D
eternamante wrote on Jun 19, '09
wala ba kyong kpangyarihan ng wika ? haha.
crtcz wrote on Jun 19, '09
ummhh,,,,,so...tnx a lot for info...
icedteagurl wrote on Jun 20, '09
salamat ng marami!assignment po namin to
ceannelee wrote on Jun 20, '09
woohh!!!! tnx,tnx...:))
dxein wrote on Jun 20, '09, edited on Jun 20, '09
oow .. tnx a lot! mee assignment n kgad aqq. heHhe
1352468 wrote on Jun 20, '09
kiss ko lalat all
1352468 wrote on Jun 20, '09
dako mo og lalat?????
ko07 wrote on Jun 21, '09
nice with explanation na bawat katangian!haha...
vernien wrote on Jun 21, '09
haLLeR..!? Thanks sa mGa kaaLamang iTo.
ilovejanelle wrote on Jun 21, '09
sino po si haring psammetichus? :p
julyhnesia18 wrote on Jun 21, '09
bat kasama ka jan
qtiedeng wrote on Jun 21, '09
tnx ng mwami..

xD
darlens wrote on Jun 21, '09
salamat......
darlens wrote on Jun 21, '09
what a wondreful day. . .
judith1o wrote on Jun 22, '09
salamat sa site na 2 at natapos koh ang aking takda ^_^
num4 wrote on Jun 22, '09
ay!!!,salamat hindi ako nahirapan sa paghanap ng takdang aralin ko.......salamat talaga!!!!!!!!!!!!!!
jhammie10 wrote on Jun 22, '09
salamat po talaga!!! XD
kemz28 wrote on Jun 23, '09
tanx a lot.dahil s gnwa nyo marami kaung m22lungan........
badipsdavid wrote on Jun 23, '09
Thnks. Super. :)
angelitesfiction wrote on Jun 23, '09
salamat sa panggalawang pagkakataon :D
phinkwaves01marah wrote on Jun 24, '09
paki edit ung spelling ng "efectivong" ng "epektibong"
Tnx!
emoprince2332 wrote on Jun 24, '09
3 kahulugan ng wika ? bat ala T.T
jahhjah16 wrote on Jun 24, '09
..maraming salamt poh~_+ grabe nand2 na pla lhat ng hinahanp kowh~_~...heheh...tnx tlgah>>>muah...
theofficialcytherea wrote on Jun 25, '09
THANKYOUUU :):)
hubsbentedhos wrote on Jun 25, '09
thnks!:D
dana27umipig wrote on Jun 26, '09
maraming marami pong salamat... napakalaking tulong po ng site na ito para sa aming mga istyudyante...

ingats po kaung Lahat... =)

GodBLess po.... =)
blekusas wrote on Jun 27, '09
ah, ui... :) ung anatas ba ng wika.. anim lang talaga? as in? SALAMAT!!!!!
myukz wrote on Jun 27, '09
thanks poh sa blog na ito...
mxmine wrote on Jun 28, '09
mamatx pfhoe!!!..
mxaxagutan q n din home delight q!!
snift wrote on Jun 28, '09
un ohhhh nkita qho rin
tnx to the info
snift wrote on Jun 28, '09
un ohhhh nkita qho rin
tnx to the info......
kulasalove wrote on Jun 28, '09
Thanks sa info :>
lydell07 wrote on Jun 29, '09
thx sa info:)
lykaekeisha wrote on Jun 29, '09
thanks sa info!
gorgeousjackie wrote on Jun 29, '09
thanks sa info. :D
jay3m wrote on Jun 29, '09
very nyc
xxtrixie39xx wrote on Jun 30, '09
Thanks.
pinkxvii wrote on Jun 30, '09
ano yung katuturan ng ponolohiyang pilipino?
fashinista04 wrote on Jun 30, '09
Wow. =))
Comment deleted at the request of the author.
fayexiv wrote on Jul 1, '09
maraming salamat pu...god bless you!!!!
maui1716 wrote on Jul 1, '09
hey, can you help me out pa?
sino si haring psammeticus?????????
pero your cite\site is excellent its a big help for us students!♥
universeidol wrote on Jul 4, '09
yahoo thanks,dito lang ako nkahanap ng assignments ko,
adrieljad wrote on Jul 6, '09
Salamat. Needed this. :D
kidneystones wrote on Jul 7, '09
waw kumpleto sa detalye...
salamat po xD
smileeface1320 wrote on Jul 8, '09
haha. i needed this for my filipino class. so thankful!!=))
cyndrick wrote on Jul 8, '09
salamat...sa mga halimbawa..jejejeje
cyndrick wrote on Jul 8, '09
salamat po sa mga halimbawa..jejejeje
cediebarca wrote on Jul 9, '09, edited on Jul 9, '09
hehe...parang libro rin talaga....
andito na lahat ng hinahanap q para sa takdang aralin q.....
pundaveladianne wrote on Jul 11, '09
mamatsx! :)
nka2Lon6 nan mLaki ..
seansyd wrote on Jul 15, '09
pkipost nman mga halimbawa ng register ng wika>?tnx!!!!
tsarmeyndon wrote on Jul 15, '09
gracias. haha.
dessa8 wrote on Jul 19, '09
tnx nandito lahay ang himananap q,,,
nnell wrote on Jul 23, '09
maraming salamat po,malaking tulong po saking pagaaral,,,,
gracias por todo!!!

from the maroons,,,,
bubblyness wrote on Jul 24, '09
hmf!!!kokonti nmn example ng antas ng wika..kainis pero tnx na din
lubyou wrote on Jul 28, '09
...as.N thank u sO much!!!it really helps me a lot..this site...tHanks and more power...
joannacabuntas wrote on Aug 1, '09
salamat ng marami!:)
annadeca07 wrote on Aug 3, '09
OMG! SALAMAT! >:D
nehry wrote on Aug 5, '09
thanks for this post. it really helped my daughter a lot.
bhabieposh27 wrote on Aug 12, '09
bAHO
andrew0414 wrote on Aug 17, '09
thnx po :)
clariztanganco wrote on Sep 14, '09
this is very resourceful :) thanks!, More power to you Sir :)
xherrilyne08 wrote on Sep 15, '09
very resourceful.^_^ thanks alot..
goddontexist wrote on Sep 16, '09
cocopya aq ha... ^_^
rhea08 wrote on Sep 22, '09
thanks!
jake010101 wrote on Sep 24, '09
wala po ba ang mga kilalang manunulat at dalubguro sa paksa na ito?
jake010101 wrote on Sep 24, '09
wala po kc kahit isa ung hinahanap ko d2 sa paksang ito...

sana kung meron mang mailalagay d2 na mga kilala dalubguro sana mailagay na...

thanks
nicohcarreon wrote on Oct 6, '09
maraming salamat po
rodaliadeveyra wrote on Oct 6, '09
sana po ay may exact impormation sa pag-aaral ng wikang ilokano!!! pwdi po ba???

nid ko kc e
scakhayeteserel wrote on Nov 10, '09
salamat po sa tulong nio bilang business administrator nakatulong talaga ito
sa akin salamt poh????? tapos na home work koh.........
scakhayeteserel wrote on Nov 10, '09
elooo0www poih
leiileii wrote on Nov 11, '09
ayan =) salamat .
hojan09 wrote on Nov 11, '09
slmt po!!;p
babeng26 wrote on Nov 11, '09
Thanks a lot it's really big help for us students.. more power and god bless U...
thur24 wrote on Nov 30, '09
huh?
baylonvash wrote on Dec 2, '09
weeee niCe oNe
jheyzhone16 wrote on Dec 2, '09
hi po.
04ic wrote on Jan 14
tnx poh ah..nice,, keep it up...
itzmecyrill wrote on Jan 19
salamat dito!
marga7 wrote on Feb 20
thank you~ kailangan ko to eh :D
Add a Comment